Home »
Etc
,
Eugene Domingo
,
Female
,
Movie
,
Richard Gutierrez
» Richard at Eugene, romantic ang halikan!
Richard at Eugene, romantic ang halikan!
Apat na artistang babae ang makakaulayaw ni Richard Gutierrez sa Valentine movie niyang My Valentine Girls mula sa Regal at GMA Films. Tatlong seksi na sina
Rhian Ramos, Lovi Poe at Solenn Heussaff at ang magaling, pero hindi kagandahang si Eugene Domingo. Kasama rin ang child wonder na si Jillian Ward.
Anyway, inumaga raw sa shooting si Richard kaya late siyang dumating sa
presscon nila, na sinamahan din ng konting pa-raffle ng cash.
Since apat ang kapareha niya ngayon sa MVG, ano ang puwede niyang maging deksripsyon sa kanila?
“Ang hirap naman nu’n! Si Lovi? Kagabi magkasama kami sa shooting hanggang more or less 5 a.m.
First time ko to work with her. Alam naman nating magaling na artista si Lovi and she’s very hot right now! It’s not a secret! We all know that and I am very excited to work with her and I think we were able to nail a couple of good scenes last night!
“With Solenn naman, it’s her first time ever to be in front of the camera and act. So I’m so excited to work with her. She’s a bit nervous in the beginning but I assured her that everything’s gonna be fine.
“I think direk Andoy Ranay can attest to this as a beginner, she’s doing good! She’s very natural!” pahayag ni Richard.
Kumusta naman ang kissing scene nila ni Solenn?
“Wala pa!” sagot niya.
Eh, si Rhian?
“Si Rhian naman. First show niya ako ang kasama niya sa Captain Barbell and I can say that she has matured as an actress. Talagang very passionate na siya sa acting and she’s very good also. Very natural. Kumbaga, komportable na kami sa isa’t isa at kung ano ang sabihin ng director namin, very comfortable kami.
“I think we have a good working relationship ni Rhian kasi matagal na kaming magkasama.
“Si Jillian naman, ngayon lang ako naka-experience ng batang tulad niya. Kakaiba siya. Very talented, hyper at kahit na anong oras sa shooting, very energetic si Jillian.
“I think nagsu-sugar loading siya bago mag-take. Nonstop kasi ang energy niya. Natuwa ako minsan sa kanyang dramatic scene. Rehearsal pa lang umiiyak na! Tapos nang shot na, pero hindi pa siya kita, tanong nang tanong kung kita na siya sa camera at iiyak na! Sabi ko, hindi pa.
“Finally, nu’ng shot na niya, ang galing! Mahusay sa dramatic scenes! Take one
siya! After niya umiyak, balik sa hyper mode si Jillian. Hindi siya mahirap turuan. Hindi siya nagrereklamo,” kuwento ni Chard.
At ano naman ang masasabi niya sa kakaiba niyang leading lady na si Eugene?
“Speaking of positive energy, ‘yon ang dinadala ni Miss Uge sa ating lahat! Sa set namin, walang dull moment. It’s great working with her! She’s fun.
“Napakahusay ni Miss Uge talaga. Sinasabi niya na komedyante ako and I think, she brings out the best in me! Because of her kaya lumalabas ang pagiging
komedyante ko. ‘Yung comic side ko,” tugon ng Valentine Box-office King.
“Thank you, leading man! You also bring out the leading lady in me!” sagot naman ni Uge.
Eh, ginawa raw niyang tunay na babae si Uge sa kanilang kissing scene, huh! Pinaka-romantic daw ang kissing scene nila! Girl na girl daw ang feeling ni Eugene!
“Siyempre naman!” sambit ni Chard.
Wala ba siyang choice kaya nakipaghalikan siya kay Uge?
“Sa istorya, wala talagang choice, JN!”sey ng komedyana.
“‘Yun kasi ang premise sa story! Ha! Ha! Ha! Ms. Uge I think has established herself as one of the best comedians in this generation. Whatever she has achieved, I think, she deserves everything!” deklara pa rin ni Richard.
JUN NARDO
Labels:
Etc,
Eugene Domingo,
Female,
Movie,
Richard Gutierrez
Post a Comment