Home » , » Paano Maiiwasan at Malulunasan ang Tulo o Gonorrhea?

Paano Maiiwasan at Malulunasan ang Tulo o Gonorrhea?






Ang sexually-transmitted diseases (STDs) ay mga sakit na maaaring mahawa sa anumang uri ng pakikipagtalik o sexual contact. Isang halimbawa ng STD ay ang Tulo/gonorrhea. Ang tulo, na may siyentipikong taguri na gonorrhea, ay isang uri ng sakit na makukuha makaraang makipagtalik sa tao na may impeksiyon nito. Malimit itong tawaging “tulo” dahil sa nanang lumalabas sa titi o puke ng maysakit.

Ang sanhi ng 'tulo' ay ang bacteria na Neisseria gonorrhoeae, kaya ito ay tinatawag na sakit na "Gonorrhea". Gaya nang nabanggit, ito ay maaaring mahawa sa pamamagitan ng anumang uri na pakikipagtalik. Dahil ito'y maaaring walang sintomas o senyales, posibleng makipagtalik nang hindi nalalaman na may tulo o gonorrhea pala ang katalik.
Ito ang mga sintomas ng tulo sa lalaki:

1. Pagdanas ng kirot o hapdi sa bayag o titi tuwing iihi
2. Pagnanana ng titi
3. Makirot na pag-ihi (minsan hindi na talaga makaihi)
4. Lagnat (sa ibang kaso lamang)

Makalipas ang ilang buwan o taon, maaaring makaranas ng pamamaga ng tuhod o kasukasuan ang maysakit, bukod pa ang iba pang karamdaman.

Ang nakakatakot sa tulo o gonorrhea ay ang mga complication; maaaring ipanganak na bulag o may problema sa mata ang isang sanggol kung nagkaroon ng tulo ay kanyang nanay habang siya ay pinagbubuntis. Maaari ring magdulot ng isang malalang impeksyon (pelvic inflammatory disease) sa mga babae. Sa lalake naman, maaaring ma-impeksyon ang prostate o ang epididymis na bahagi ng dinadaanan ng semilya. Sa ibang tao, nagiging sanhi ito ng PAGKABAOG.

Dahil nakakahiyang pag-usapan, maraming mga STDs na inililihim at hindi ikinokonsulta. Ang nangyayari ay paggagamot sa sarili o self-medication. Ngunit hindi ito magandang gawin. Una sa lahat, tama nga ba ang iyong haka-haka kung ano nga ba talaga ang iyong karamdaman? Paano kung magkamali ka? Huwag mahiyang lumapit sa doktor sapagkat ang mga doktor ay may prinipsyo ng "confidentiality" na nagsasabing hindi kailanman maaring ipagkalat ng doktor ang anumang sasabihin mo sa kanya.

Ano ang gamot sa tulo o gonorrhea? Antibiotiko o antibiotics ang solusyon. Kinakailangang ipatingin sa doktor kung anong uri ng antibiotiko at gaanong kadami at gaanong kadalas (dose and frequency) ng gamutan. Kung mayroon kang tulo o gonorrhea, malamang ay mayroon ring tulo ay iyong asawa o sexual partner kaya dapat siya ay ipatingin at gamutin rin.

Mas mabuting kumunsulta sa inyong doktor upang masuri kung anong tamang gamot ang maaaring gamitin at ligtas para sa inyo. Ang iyong sakit ay hinde isang karaniwang sipon o ubo lamang. Nangangailangan ito ng espesyalista sapagkat kailangan mo ng antibayotiko. Subalit ang tulo ay maraming dahilan
kaya dapat ay ang tamang gamot ang iyong inumin dahil dapat ay LUBOS kang gumaling dahil ito ay maaaring magpabalik balikat makakahawa ka ng iyong kapartner. Komunsulta agad sa doktor. Minsan kapag hindi na nakuha o tumatalab ang iniinom mong antibiotic maari kang turukan ng mas mabisang gamot (intramascular) sa bandang pige o puwitan. Masakit yun at mahal, sige ka.

Paano nga pala maiiwasan ang tulo o gonorrhea? Ang pinaka-mabuti parin ay ang pagiging matapat sa asawa, o kaya pag-iwas sa pakikipagtalik sa kung sinu-sino. Ang paggamit ng condom (safe sex) ay makakaiwas rin sa tulo o gonorrhea, ngunit hindi ito 100% na sigurado sapagkat maaari ring makuha ay gonorrhea sa pakikipaghalikan o kaya oral sex. Maaaring maipadala ang gonorea sa pamamagitan ng pagdaan sa mga mata.

Tandaan, nasa huli lagi ang pagsisisi. Kaya bago tsumupa o magpatira siguraduhing hindi ka mahahawa o makakahawa. Maging responsable tayong nilalang. At higit sa lahat maging "faithful".
Share this article :

+ comments + 8 comments

5 June 2022 at 06:25

trouver plus d'informations Loewe Dolabuy essentiels dolabuy ysl voir ceci https://www.dolabuy.ru/

3 July 2022 at 22:41

you could look here replica designer bags visite site designer replica luggage check out here https://www.dolabuy.su

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. OuT Loud Magazine - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger