Home » , , » Ina Feleo signs up with Star Magic; lands lead role in grade-A film Ikaw ang Pag-ibig

Ina Feleo signs up with Star Magic; lands lead role in grade-A film Ikaw ang Pag-ibig



Nagkaroon ng red-carpet screening ang comeback film ni Direk Marilou Diaz-Abaya, ang Ikaw Ang Pag-ibig, noong Lunes, January 10, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound.

Ang isa sa bida ng naturang family drama ay si Ina Feleo, ang anak ng yumaong aktor na si Johnny Delgado at ni Laurice Guillen.

Kamakailan ay pumirma na si Ina bilang talent ng Star Magic. Dati siyang Backroom talent na pinamamahalaan ng TV host na si Boy Abunda.

Ayon kay Ina, naging maayos naman ang pag-uusap nila ni Boy tungkol dito.

"Pinag-usapan namin dati ni Mommy para magpatulong to find ng work. And since lagi naman ako sa ABS-CBN lumalabas, sa Star Magic na lang. Before pa ako pumasok sa showbiz, kinausap na dati ni Daddy si Mr. Johnny Manahan," paliwanag ni Ina sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Magiging parte si Ina ng action-romance series na Guns & Roses na pagbibidahan nina Robin Padilla, Bea Alonzo, Diether Ocampo, Ejay Falcon, at Empress.

Magiging parte rin si Ina ng socially-relevant indie film na Deadline na tungkol sa media killings. Ito ay ididirek ni Joel Lamangan.

GIFT FROM THE VIRGIN. Mapapanood sa Ikaw ang Pag-ibig ang kakaibang pagganap ni Ina Feleo bilang kapatid ng isang paring naging cancer victim. Isang film editor, asawa, at single mother ang role ni Ina sa pelikula.


Aminado naman si Ina na hindi siya ang first choice para sa lead role ng pelikula.

Aniya, "Nung una siyang in-offer sa akin, alam kong para kay Judy Ann Santos ang karakter na ito. At feeling ko, di ko kayang gampanan yung character, parang wala ako sa kalingkingan ni Judy Ann.

"Noong inalok sa akin ni Direk [Marilou] ito, sabi niya, 'Tawag ka ni Mama Mary, meron siyang pelikula for you.' Parang nakakahiyang humindi, so talagang tinanggap ko na lang.

"Pero nung mga shooting days namin, naramdaman kong mahirap. Pero naging smooth sailing naman all throughout."

Kumusta namang katrabaho si Jomari Yllana bilang boyfriend niya sa pelikula? Nailang ba siya habang ginawa ang mga kissing scenes nila ni Jomari?

"Hindi naman! Hindi naman ako masyadong mailangin pagdating sa trabaho, e!" sabay tawa niya.

"Saka parang yung relationship kasi ng character namin ni Jomari dito, older guy siya, much older than me na more serious. Ako naman yung bagets na medyo kengkay.

"In real life, ganun talaga din naman kami. Siya yung serious at ako naman yung medyo baklain."


Bukod kina Jomari at Ina, kasama rin sa Ikaw ang Pag-ibig si Marvin Agustin bilang si Fr. Johnny, ang kapatid ni Ina na nagkasakit ng leukemia.

Parte rin ng pelikula sina Eddie Garcia, Shamaine Buencamino, Nonie Buencamino, at ang child actor na si Yogo Singh.

RECALLING HER DAD'S ILLNESS. Dahil na-diagnose ang tatay niya ng lymphoma o cancer of the lymph nodes, nabanggit ni Ina sa kanyang co-star na si Marvin ang tungkol sa mga pinagdaanan ng kanyang ama.

May isang eksena ng pelikula kunsaan lamig na lamig ang karakter ni Marvin at nagtsi-chills ito. Ayon kay Ina, naranasan din dati ito ng veteran actor na si Johnny bago siya pumanaw.

"All throughout, naalala ko si Daddy, naka-relate ako sa character ko bilang Vangie kasi napagdaanan ko ang hirap ng anak ng isang cancer victim. Siya yung inspirasyon ko rito to do the scenes sa buong movie.

"As an actress, ang ginagamit ko kasing inspirasyon for the scenes ay yung mga pangyayari sa totoong buhay ko... para magampanan ko nang maganda yung character ko sa movie na ito."


Bago nagsimula ang screening, tinawag ni Direk Marilou Diaz-Abaya ang lead stars ng mga pelikula upang samahan siya sa entablado habang inaalala niya ang challenges na pinagdaaanan nila habang ginagawa ang pelikula.

Ito ang sinabi ni Direk Marilou nang tawagin niya si Ina upang umakyat sa entablado ng Dolphy Theater:

"I'd like to call on someone [I've known even], before she was born, because her mother and I were two females in a mostly male-dominated industry.

"It's very difficult not to be emotional about her for the same reason that I get very emotional with my son, David Abaya [na siyang cinematographer ng Ikaw ang Pag-ibig]. He accompanies me on the set as well as in scans because he's got far steadier nerves than his brother, the artista Marc Abaya."

Si Direk Marilou ang nagdirehe ng critically-acclaimed movies tulad ng Brutal (1980), Moral (1983), Karnal (1984), Baby Tsina (1985), Jose Rizal (1998), Muro-Ami (1999), at Bagong Buwan (2001). Ang kanyang huling project ay ang Maging Akin Muli (2005).

Tumigil muna siya sa pagdirek ng pelikula nang ma-diagnose siya ng breast cancer noong January 2007.

Nag-concentrate siya sa pagma-manage ng Marilou Diaz-Abaya Film Institute and Arts Center kunsaan nag-aral si Ina ng filmmaking for two years.

Ang Ikaw ang Pag-ibig ay produced by the Archidocese of Caceres at ng MDA Film Institute and Arts Center. Ito ay graded "A" ng Cinema Evaluation Board at ini-endorso ito ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines.

Star Cinema ang distributor ng pelikula na mapapanood sa select cinemas simula February 23, 2011. Magsisimula ang tour nito sa mga paaralan at universities sa February 9.
Share this article :

+ comments + 3 comments

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. OuT Loud Magazine - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger