Home » , » Imahinasyon at ang REMAR Cinema

Imahinasyon at ang REMAR Cinema





Matagal ko nang gustong masubukang makapanood ng gay-themed indie film sa sinehan pero di ko talaga magawa. Pero on my way home kagabi, I saw na showing pala sa REMAR cinema sa Cubao yung Indie film na "Imahinasyon". Sobra ang kaba ko habang tumatawid ng kalsada. Hindi na rin kasi ako baguhan sa mga ganitong uri ng sinehan at alam ko ang mga "kababalaghang" nangyayari sa loob.

Naaalala ko pa ang unang beses kong panonood sa ganitong uri ng sinehan. Sa isang sinehan sa Quiapo na katabi pa mismo ng simbahan. Nasa 3rdyear college ako noon at kasama ko si Paul, ang unang boyfriend ko. Since that time eh may kasama ako kaya siguro walang nangahas na lumapit. Siyempre kami ni Paul yung nagkapaan hehe. Pero di na namin tinapos ang pelikula nang mapansin naming halos lahat ng tao ay wala sa pelikula nakatuon ang pansin kundi sa paghahanap ng laman.

Kapansin-pansing napaglipasan na ng panahon ang REMAR cinema. Tinanong ko ang matandang babae sa ticket booth kung magkano ang isang ticket, pero yung guard na ang sumagot sa tanong ko. "P110.00", ang wika ng guard. Pagkaabot ng ticket ay agad akong pumasok sa loob. Agad kong napansin ang kakaibang amoy sa loob, amoy luma at mabaho na hindi ko mawari kung bakit. Pagkabukas ko ng pintuan ay agad na nagsilingunan ang mga tao sa loob, marahil ay sinisipat kung "yummy" ako. Agad akong umupo sa pinakadulo ng upuan habang halos lumukso sa kaba ang aking dibdib. Agad na umagaw ng pansin sa akin ang isang chubby na lalaki sa kabilang dulo na abalang-abala sa pagjajakol ng kanyang sandata habang pinapanood ng iba. Napansin ko rin na halos lahat ng tao sa loob ay matatandang lalaki, at waring di sila mapakali sa paglalakad sa loob ng sinehan. Agad kong kinundisyon ang aking utak na tanging panonood lamang ng pelikula ang aking pakay, at hindi ako papayag na matikman ng mga gurang na ito.

Nang magdilim ang buong sinehan ay nagsimula na ang palabas. Pinigilan ko ang aking sarili na matawa dahil hindi ko nagustuhan ang pelikula. Ang babaw ng plot, saka walang lalim sa pag-arte ang mga tampok na artista.Pero aaminin ko na cute yung bidang lalaki (yung napapagitnaan ng dalawang lalaki)




Uminog ang kwento sa paghahanap ng kasagutan ni Jeram sa katauhan ng diwatang laging laman ng kanyang mga panaginip, si Diana. Kasama ang kanyang kaibigan, binagtas nila ang masukal na kagubatan hanggang sa mapadpad sila sa bahay ng bagong kasal na magsing-irog. Si Ana, ang babae sa bahay na kanilang tinuluyan ay malaki ang pagkakahawig sa babae sa panaginip ni Jeram. Nang minsang mapag-isa sa bahay sina Jeram at Ana ay naganap ang isang mainit na pagtatalik. Batid nina Ana at Jeram na mali ang kanilang ginawa, kaya naman kinabukasan ay agad nang nagpaalam ang magkaibigan na upang bumalik na ng Maynila.

Dahil sa pagod ay napagpasyahan ng magkaibigan na matulog sa damuhan. Muli ay dinalaw si Jeram ni Diana sa kanyang panaginip. Lingid sa kaalaman ni Jeram ay may lihim na pagtingin sa kanya ang kanyang kaibigang lalaki. Dito na pumasok ang M2M sex sa pagitan ng magkaibigan. Pagkatapos nilang mailabas ang init ng kanilang katawan ay nagtapat rin si Jeram na may pagtingin rin sya sa kaibigan. (Promise tawa ako nang tawa sa part na to! Haha)

Sa kanilang pagbagtas sa masukal na gubat ay naligaw ang magkaibigan. Hanggang sa may nakasalubong silang matandang lalaki na nagsabing maligno ang mag-asawang kanilang nakasama sa loob ng ilang araw.

Nang matapos ang pelikula ay agad na akong tumayo, kahit na ang susunod na palabas ay Avengers. Di ko kasi trip magahasa dito noh! Pagkalabas ko sa pinto ay ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga matatandang becky na nag-aasam na makatikim ng sariwang karne.Mabilis ang aking mga hakbang hanggang sa nakarating ako ng LRT station.

Hindi na ako babalik sa sinehan na yun! Once is enough hihi.
Share this article :

+ comments + 7 comments

Anonymous
5 June 2013 at 11:20

Horsepower Camcorders Of india

Also visit my blog post - less

Anonymous
16 June 2013 at 13:31

Tv for computer Producers Decide on Versacourt Meant for
Game Courts Expertise

Also visit my web page ... fitted ()

Anonymous
4 December 2013 at 21:01

Kakapunta ko lang dyan sa Remar, maliit lang pala ang nasa loob nyan, makipot.Ang ginagamit nilang projector yung bago na, yung pang computer.hindi na yung traditional.Saklap nga e ang palabas pala pambakla pero first run in movie sya na indie film at may mga gay din sa loob.Basta ako di ko sila pinapansin at diretso lang ako.

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. OuT Loud Magazine - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger