Home » » 2011 Fashion Trend: MILD 70s FLAVORED

2011 Fashion Trend: MILD 70s FLAVORED


Pinag-uusapan na naman kung ano ang mga uso sa taon na ito ng 2011. Last week nalaman natin kung ano ang usong kulay sa taon na ito at ang mga lucky color.

Kaya naman dapat alamin din natin kung anong usong mga suotin sa taon na ito ng sa gayon ay hindi naman dapat tayo papahuli. Ilabas muli natin ang ating mga damit noong panahon ng 70s kasi balik na naman tayo sa panahon na ito. Kung ikaw ay umabot na sa panahon na ito dapat alam mo kung ano ang mga usong kasuotan noon. Ito ang ating basehan ng mga uso sa taong ito ngunit bibigyan natin ng mild modern touch para hindi naman mukhang hinukay sa baol ang mga damit mo.

Ano ba ang panahon ng seventies? Tayo’y magbalik-tanaw o kaya ay mag flashback sandali para malaman natin kung ano ang mga sikat ng panahon na ito. Sa Music ang mga hit songs na sikat ay ang mga sumusunod- You Light Up My Life ni Debby Boone, Night Fever ng Bee Gees, Tonight’s the Night ni Rod Stewart, Shadow Dancing ni Andy Gibb at My Sharona ng The Knacks. Sa mga pelikula naman tulad ng Love Story, KingKong, Jaws, Exorcist, Rocky, Star Wars, Grease, Kramer vs. Kramer, Saturday Night Fever and more. May naalala na ba kayo sa dekadang ito? Kasikatan ng Charlie’s Angel kung saan sumikat ang style icon na si Farrah Fawcett. Panahon din ng mga Superstars na sila Nora at Vilma. Siguro naman may naalala na kayo? Sa mga usong damit naman tulad ng mga maxi dress, high waisted-bell bottom pants, Disco fashion - shiny and glitter na mga pants and blouses, animal prints, metallic sheen clothes, sa shoes naman ay mga flat forms at clogs. Kung may naalala na kayo sa panahon na ito ay madali na tayong makasusunod sa uso sa taong 2011.

Ilan sa mga dapat tandaan na uso sa taong ito ay ang mga sumusunod;
1. Tailored Sports wear
2. Mixed prints and textures
3. Blocks of bright hues
4. Fanciful Shoes with modern takes
5. Bold colors with tons of cheerful and swingy silhouettes
6. Pajama dressing- kimono inspired
Share this article :

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. OuT Loud Magazine - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger